• Holocaust - Pangunang Paunawa

  • Jan 11 2024
  • Duración: 10 m
  • Podcast

Holocaust - Pangunang Paunawa

  • Resumen

  • This is an introduction about the period known as holocaust at which time, some of our succeeding narrative stories of love and survival happened.

    “Dito sa susunod na bahagi ng ating podcast sa Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano ay mapapadako tayo sa Isang madilim na sulok sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ito ang natagurian sa kasaysayan na PINAL NA SOLUSYON O HOLOCAUST. At ito ay maisasalin sa mga

    katagang PAGLIPOL NG LAHI, na tinawag ng mga Nazi sa Alemanya na “Endclosung der Judenfrage” (Final Solution to the Jewish Question) o “Panghuling Solusyon tungkol sa mga Hudyo.”

    Ang mga kuwentong pag-ibig na ating ausunod na isasalaysay ay sumibol sa panahon na nangyayari itong sakunang ito. Bago natin simulan ang una nating kuwentong pag-ibig, ating alamin din muna ang background ng mga pangyayari sa panahong iyon dahil ang mga pangyayari noon ay siyang nanghubog sa mga dinanas na pangyayari ng mga taong sangkot sa ating kuwento.`

    Noong ika BEYNTE (20) ng Enero, MIL NUEBE SIYENTOS KUWARENTA’Y DOS (1942) isang nabubukod-tanging pagpupulong ang naisaganap sa isang villa sa tabing lawa sa mayamang distrito ng Wannsee sa Berlin (Alemanya). Labinlimang mga pinuno sa gobyerno at matataas ang posisyon sa partido ng NAZI (Nationalsozialistische Deutsche Arbeiterpartei – NSDAP o National Socialist German Workers’ Party) ang nagpulong upang ayusin ang mga lohistiko sa pagsasaganap ng pinal na solusyon sa katanungan tungkol sa mga Hudyo.

    Ang namuno sa pagtitipon na ito ay Tenyente Heneral ng SS (Schutzstaffel or Protection Squadron) na Koponang Tanod na si Heneral Reinhard Hedrich, pinuno ng makapangyarihang Pangunahing Opisina ng Reich sa Seguridad na panggitnang ahensiya sa polisya na kinabibilangan ng Lihim na Polisya ng Estado o tinatawag na Gestapo.

    Tinawag ni Heydrich ang pagpupulong na ito batay sa memorandum na habilin na natanggap niya ng may anim na buwan na ang nakakaraan mula sa diputado ni Adolf Hitler na si Hermann Goring. Pinapatibay ni Goring sa sulat ang kanyang pahintulot sa pagpapalakad ng “Pinal na Solusyon.”

    Ang mga katagang ito ay koda na gamit ng mga Nazi na nangangahulugan ng sinadya at planadong malawakang pagpapaslang sa lahat ng mga Hudyo sa Yuropa. Sa pagpupulong nilang ito, pinag- usapan ng mga dumalo ang eksterminasyon (extermination) nang

    walang pag-aatubili.

    Kinalkula ni Heydrich na LABING ISANG (11) milyong mga Hudyong takatira sa Yuropa mula sa DALAWAMPUNG (20) mga bansa ang mapapaslang sa ilalim ng kanilang plano..

    Sa mga buwan bago ang pagpupulong na ito, may mga pangmaramihang pagpapatay na sa mga Hudyo sa mga teritoryong Unyon Sobyet na inokupahan ng mga Aleman. Ito ay isinagawa ng mga espesyal na mga yunit na binubuo ng

    mga SS, mga pangunahing tanod ng estadong Nazi at mga polisya na

    tinatawag na Einsatzgruppen..

    Listen to the podcast for the full story.

    Más Menos
activate_Holiday_promo_in_buybox_DT_T2

Lo que los oyentes dicen sobre Holocaust - Pangunang Paunawa

Calificaciones medias de los clientes

Reseñas - Selecciona las pestañas a continuación para cambiar el origen de las reseñas.