• First Man In The World What Originated

  • Jul 20 2024
  • Duración: 14 m
  • Podcast

First Man In The World What Originated

  • Resumen

  • Ang unang tao o mga unang tao ang mga pinaniniwalaang unang tao na lumitaw o umiral sa mundo.

    Ayon sa mga ebidensiyang pang-agham, ang mga anatomikal na modernong tao ay nagebolb sa Silangang Aprika noong mga 200,000 taong nakakalipas mula sa Homo heidelbergensis bago kumalat sa iba't ibang panig ng mundo. Ang pinakamatandang nahukay na fossil ng mga anatomikal na modernong tao ang mga labing Omo sa Ethiopia na may edad na 195,000 (±5,000) taong gulang.

    Ayon sa mga mitolohiya ng mga iba't ibang mga relihiyon, ang unang lalaki at/o unang babae ang unang (mga) tao na nilikha ng kanilang (mga) diyos na naging ninuno ng kasalukuyang sangkatauhan.

    Ayon sa agham

    Pangunahing artikulo: Ebolusyon

    Ang ebolusyon ang pagbabago sa mga namamanang katangian ng mga populasyon ng organismo sa loob ng mga sunod sunod na henerasyon sa paglipas ng mahabang panahon. Ang ebolusyon ang paliwanag na tinatanggap sa agham ng paglitaw ng mga magkakaiba ngunit magkakaugnay na mga anyo ng buhay sa mundo. Ang sentral na ideya ng ebolusyong biyolohikal ay ang lahat ng mga anyo ng buhay sa mundo ay nagsasalo ng isang pinagmulang karaniwang ninuno. Ito ay nangangahulugang ang mga organismo mula sa mga tao, ibon, mga balyena at hanggang sa mga halaman ay mga magkakamag-anak. Ang karaniwang ninuno na ito ay nagsanga o naghiwalay sa iba't ibang mga species sa pangyayaring tinatawag na speciation. Sa paglipas ng mahabang panahon, ang ebolusyon ay lumikha at kasalukuyan pa ring lumilikha ng mga pagbabago at mga iba't ibang species sanhi ng mga pagbabagong ebolusyonaryo na natural na seleksiyon, mutasyon, daloy ng gene, at genetic drift.

    Ang ebolusyon ng tao ang proseso ng ebolusyon na tumungo sa paglitaw ng mga modernong tao. Ang proseso ng ebolusyon ng tao ay nagsimula pa sa huling pinakakaraniwang ninuno ng lahat ng buhay ngunit ang paksa ng ebolusyong pang-tao ay karaniwang sumasakop lamang sa kasaysayang pang-ebolusyon ng mga primado sa partikular na ang henus na Homo at sa paglitaw ng homo sapiens bilang natatanging species ng mga hominid (dakilang bakulaw). Ang pag-aaral nito ay kinabibilangan ng maraming mga disiplinang pang-agham kabilang ang pisikal na antropolohiya, primatolohiya, arkeolohiya, embryolohiya at henetika. Ang lahat ng mga kasalukuyang nabubuhay na tao ay nagmula sa Silangang Aprika kung saan ang modernong tao ay nagebolb. Ang ebolusyon ng tao ay inilalarawan ng mga isang bilang ng mga pagbabagong morpolohikal, pang pag-unlad, pisiolohikal at pang-pag-aasal na nangyari mula sa paghahati sa pagitan ng huling karaniwang ninuno ng mga tao at chimpanzee. Ang pinakamahalagang mga pagbabagong ito sa tao ang bipedalismo, lumaking sukat ng utak, humabang ontoheniya, lumiit na dimorpismong seksuwal. Noong mga 40 milyong taong nakakalipas, ang impraorden na Simiiformes ay nagsanga tungo sa mga pangkat na Platyrrhini.


    I Would Like To Invite You To Join The Membership Perks Of Our Channel And This Is The Link...

    Join this channel to get access to perks:

    https://www.youtube.com/channel/UCtQ4CAjF_fg0myRfOAgvofw/join

    Ang Buhay Tuklas Ay Nilikha Upang Magbigay Ng Konting Kaalaman At Malibang Sa Aking Mga Itatampok Na Video Samahan Nyo Ako Sa Aking Paglalakbay Sa Mga Nakaraan At Ating Tuklasin Ang Pinag Mulan.

    #sound #volleyballplayer #music #socialmediamarketing #BongbongMarcos #justinbieber #lifestyleblogger #dancechallenge #Globo #girls #fightcoronavirus #fb #foryouシ #fbreelsfypシ゚viralシ #tbt #travelblogger #tranding #memes #PhilippineNationalPolice #OMG #photochallenge #education #home #food #foodie #buhaytuklas

    Más Menos

Lo que los oyentes dicen sobre First Man In The World What Originated

Calificaciones medias de los clientes

Reseñas - Selecciona las pestañas a continuación para cambiar el origen de las reseñas.