Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano

By: Norma Hennessy
  • Summary

  • Story narratives of historical and heroic inspirational figures around the globe in two Philippine language versions: Tagalog and Ilocano.
    Copyright Norma Hennessy 2022
    Show more Show less
activate_Holiday_promo_in_buybox_DT_T2
Episodes
  • Teruo Nakamura Hold-out na Hapon sa Morotai
    Mar 25 2024

    Teruo Nakamura was the indigenous Formosan Japanese war soldier who survived the war and post war years in the jungle not aware that the war has ended. And when he was found, he would find his status in limbo - presumed dead he was stateless, homeless and would find his family under new identity.

    Private Teruo Nakamura (Amis: Attun Palalin), an Amis aborigine from Taiwan and member of the Takasago Volunteers, was discovered by the Indonesian Air Force on Morotai, and surrendered to a search patrol on December 18, 1974. Nakamura, who spoke neither Japanese nor Chinese, was the last confirmed holdout.

    Si Teruo Nakamura ang pinakahuling sundalong Hapon na sumuko noong nagtapos ang Pangalawang Digmaang Pangsandaigdigan. Siya’y nakadestino noon sa isla ng Morotai na bahagi ng Indonesia.

    Si Nakamura ay tubong galing sa tribu na Amis Pangcah ng isla ng Formosa. Ang Formosa ay siya nang kilalang Taiwan sa kasalukuyang panahon. Sa mga panahong iyon ng digmaan, Hapon noon ang namamahala sa Formosa.

    Naipanganak si Nakamura noong taong MIL NUEBE SIYENTOS DIYES Y NUEBE at nakapasok siya sa Takasago Voluntary Unit na puwersa ng Hapon noong Nobyembre ng MIL NUEBE SIYENTOS KUWARENTA’Y TRES (1943). Napadala siya sa isla ng Morotai na bahagi noon ng inokupahang teritoryo ng mga Hapon na DutchEast Indies.

    Ang Dutch Easr Indies ay Indonesia na sa kasalukuyan. Naagaw ng mga Hapon ang islang Morotai sa isang labanan noong Setyembre ng MIL NUEBE SIYENTOS KUWARENTA’Y KUWATRO (1944). Sa pag-aakalang nasama na sa mga patay si Nakamura, idineklara siya ng Hapon na patay na noong MIL NUEBE SIYENTOS KUWARENTA’Y KUWATRO.

    Lingid sa kaalaman ng mga Hapon, ito ay nakaligtas at namuhay ito sa isla na kasama ng iba pa hanggang MIL NUEBE SIYENTOS SINGKUWENTA’Y SAIS (1956). Sa taong ito, iniwanan ni Teruo Nakamura ang kanyang mga kasama at siya ay nagkampo nang nag-iisa. Ang dahilan nito ay dahil inakala niya na binabalak ng mga kasama niya na siya’y papatayin.

    Nakipagkaibigan si Nakamura sa isang taong tubo ng lugar na iyon at tinawag ng Baicoli. Ito ang malimit noon na nagbibigay sa kanya ng tsa, kape at iba pang kakailanganin para mabuhay. Bago namatay si Baicoli, naghayag siya sa kanyang anak at inihabilin niya na ipagpatuloy ang pagtulong kay Nakamura.

    Show more Show less
    13 mins
  • Hiroo Onoda Kilabot na Hapon sa Lubang
    Mar 21 2024

    Pangalawang tenyente ang posisyon ni Hiroo Onoda noong Ikalawang Digmaang pangsandaigdigan. Siya ay nasa posisyong iyan noong nagtapos din ang digmaan. Subalit dahil siya ay nasa kagubatan sa isla ng Lubang sa Occidental Mindoro, hindi niya nalaman ang mga sumunod na mga pangyayari kaugnay sa digmaan maging ang pagtatapos nito.

    Bahaging kanluran ng Occidental Mindoro ang kinaroroonan ng islang ito na sakup ng probinsiyang kalapit ng Palawan. Masukal na kagubatan ang interior ng isla ng Lubang at may sukat ang islang ito ng ISANG DAAN AT LABING TATLONG (113) kilometro kuadrado bagaman ang bahagi nito sa baybaying dagat ay may mga pook ng mga taong mangingisda at mga katutubo.

    Matapat sa tradisyong Hapon ang sundalong si Hiroo, at ang paniwala niya ay diyos ang emperador ng kanilang bansa. Kaya ang kanyang misyon sa digmaan ay isang banal na tungkulin sa kanya. Maliit at payat na lalaki ito subalit malakas at makisig ang tindig niya bilang isang samurai.

    Listen to the full story in podcast.

    Show more Show less
    18 mins
  • Shoichi Yokoi - Pinag-iwanan ng Digmaan
    Mar 5 2024

    It was May 9 1945 in Europe people took to once shunned streets to rejoice at the declaration that the war was finally over. The following year, in the East, the Allies declared victory putting a full end to the biggest man-caused wastage of human lives in history - World War 2. Opponents surrendered, some of those ordered to surrender preferred giving up their lives in their own terms. Others did not know and remained in hiding for a few more months. A few remained in hiding - not believing or knowing that the battle has been declared over. This is a story of one of those who kept in hiding in the jungle for years.

    Nagtapos na ang Pangalawang Digmaang Pang-sandaigdigan.. Subalit mayroong mga sundalong Hapon na hindi nakakaalam at kung nababalitaan man nila, tinatanggihan nilang paniwalaan na tapos na ang digmaan. Ilang dekada ang dumaan na nagpatuloy silang patago-tago sa mga masusukal na mga kagubatan. Sa tatlong huling ‘hold-out’ ng sundalong Hapon sa digmaan, nauna si Shoichi Yokoi na lumabas mula sa kanyang pinagtatagu-an sa isla ng Guam. Sumunod si Onoda na lumabas naman mula sa isla ng Lubang sa Mindoro. Ang kahuli-hulian ay si Teruo Nakamura, sundalong tubong Taiwan na nanilbihan sa militar ng Hapon sa digmaan. Natuklasan siya noong nagtatanimna nag-iisa sa isang isla na tinawag na Morotai sa Indonesia noong Disyembre ng 1974.

    Pagkatapos bumalik ang mga Amerikano sa isla ng Guam at binawi ito mula sa kamay ng mga Hapon noong Agosto, 1944, humigit- kumulang sa LIMANG LIBO (5000) na sundalong Hapon ang tumutol na sumuko sa Alyansa. Karamihan sa kanila ang nagpatuloy na tumatakas at nagtatago dahil kahihiyan nilang lubos na sila ay mabihag at maging bilanggo ng digmaan.

    Kadamihan sa mga sundalong Hapon na ito ang tumakbo upang magtago ay napatay o nahuli ng mga sundalong Alyansa sa laon ng ilang buwan. Isang daan at tatlumpo ang mga naiwan na nagtatago noong dumating ang buwan ng Setyembre ng 1945).

    Isa sa mga nanatili sa kagubatan si Yokoi at namuhay siya doon hanggang 1972. Nagtago noon si Yokoi kasama ng siyam na kapwa sundalong Hapon. Pito sa kanila ang lumayo at humiwalay at hindi nagtagal ay naging tatlo na lamang sina Yoichi na naiwan s rehiyon na iyon. Sumunod na naghiwa-hiwalay ang mga natirang tatlo bagaman noong 1964, malimit sila noong nagtatagpo at nagbibisititahan sa bawat isa.

    Noong 1964 hindi naligtasan ng dalawang kasama ni Yokoi ang dumating na malaking baha na siyang kinamatayan ng dalawang kasama niya. Sa sumunod na walong taon, nag-iisang namuhay si Yokoi. Nangaso siya kapag gabi at ito ang kanyang ikinabuhay. Gumamit siya ng mga halaman na ginawa niyang damit , kumot at mga kasangkapan. Itinago niya ang mga ito sa kuweba na ginawa niyang tirahan.

    Listen to the the podcast for the story in full in Tagalog.

    Show more Show less
    17 mins

What listeners say about Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano

Average customer ratings

Reviews - Please select the tabs below to change the source of reviews.