• Atheist Ako At Nagkamali Ako
    May 2 2024

    Atheist Ako At Nagkamali Ako

    Episode 76- Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan


    Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay tungkol sa totoong karanasan ni Donald. Si Donald ay isang doctor at nasa kaniya na ang lahat at dahil dito madali para sa kaniya ang hindi maniwala sa Diyos. Sa loob ng limang taon, may kaibigan siyang Kristyano na patuloy na nagsasabi sa kaniya tungkol sa pag-ibig ni Hesus, pero nakikipag-debate lang siya dito hanggang sa dumating siya sa bingit ng kamatayan at hinanap niya ang kaibigan. Pakinggan po ang detalye ng karanasan ni Donald.

    Show more Show less
    14 mins
  • Ang Gantimpala Ko Sa Langit
    Apr 25 2024

    Ang Gantimpala Ko Sa Langit

    𝐄𝐩𝐢𝐬𝐨𝐝𝐞 75 - 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐀𝐭 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐥𝐚𝐠𝐡𝐚𝐧

    Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay tungkol sa totoong karanasan ni Maria. Isa si Maria sa mga naunang nagkasakit ng Covid noong 2019 sa New York at ito ang kaniyang ikinamatay. Sa kaniyang pagkamatay, napunta siya sa langit at ipinakita sa kaniya ng Panginoon ang kaniyang gantimpala at kung bakit siya ginatimpalaan. Gayunman, pinili ni Maria na bumalik sa lupa. Alamin kung bakit mas pinili ni Maria na bumalik sa lupa kahit nandoon na siya sa langit pagkatapos makita ang ang kaniyang gantimpala. Pakinggan ang detalye ng kaniyang karanasan.

    Show more Show less
    30 mins
  • Pro-choice Ako Hanggang Sa Makita Ko Ito
    Apr 18 2024

    Pro-choice Ako Hanggang Sa Makita Ko Ito

    𝐄𝐩𝐢𝐬𝐨𝐝𝐞 74 - 𝐒 𝐊𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐀𝐭 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐥𝐚𝐠𝐡𝐚𝐧

    Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay tungkol sa totoong karanasan ni Patricia. Dating Pro-choice si Patricia at bago siya naging assistant sa abortion clinic, tatlong abortion ang pinagdaanan niya. Dahil sa nakita niyang mga karima-rimarim na mga insidente at mga bagay sa loob ng abortion clinic, hindi na natahimik ang kunsens’ya ni Patricia. Pakinggan ang detalye ng kaniyang karanasan.

    Show more Show less
    42 mins
  • Ang Misyon Ko Sa Buhay, Matapos Kong Mamatay
    Apr 11 2024

    Ang Misyon Ko Sa Buhay, Matapos Kong Mamatay

    𝐄𝐩𝐢𝐬𝐨𝐝𝐞 73 - 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐀𝐭 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐥𝐚𝐠𝐡𝐚𝐧

    Ang episode na ito ay tungkol sa totoong karanasan ni Valerie matapos siyang maaksidente, mamatay at ibalik sa katawan niya sa lupa ng Panginoong Hesus. Lumaking Kristyano si Valerie at sa buong buhay niya, pakiramdam niya ay hindi siya sapat sa paningin ng Panginoon. Pero iba ang kaniyang naramdaman sa kanilang pagkikita. Pakingan ang istorya ng pagkikita ni Valerie at ng Panginoong Hesus at alamin kung ano ang misyon niya sa buhay.

    Show more Show less
    11 mins
  • Mga Mahilig Sa Tismis, Nakita Ko Sa Impyerno
    Apr 4 2024

    Mga Mahilig Sa Tsismis, Nakita Ko Sa Impyerno

    𝐄𝐩𝐢𝐬𝐨𝐝𝐞 72 - 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐀𝐭 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐥𝐚𝐠𝐡𝐚𝐧


    Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay tungkol sa totoong karanasan ni Dominic ng barilin siya ng kasama niya sa gang at mapunta sa impyerno. Doon ay marami siyang nakitang iba’t-ibang parusa sa iba’t-ibang kasalanan ng mga tao. Pero partikular niyang idiniin ang kasalanan na tsismis at kung ano ang nakita niyang parusa sa kanila. Pakinggan ang detalye ng kaniyang karanasan at kung papaano siya nakabalik sa lupa.


    Show more Show less
    35 mins
  • Ang Dahilan Ng Aking Tagumpay
    Mar 29 2024

    Ang Dahilan Ng Aking Tagumpay

    𝐄𝐩𝐢𝐬𝐨𝐝𝐞 71 - 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐀𝐭 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐥𝐚𝐠𝐡𝐚𝐧

    Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay tungkol sa tagumpay ng ministry ni Dr. Yonggi Cho sa South Korea. Nagsimula si Dr. Cho sa limang miyembro noong 1958 na umabot sa mahigit na 750,000 hanggang sa kaniyang pagkamatay noong 2021. Pakinggan kung ano ang dahilan sa likod na pananagumpay ng ministry ni Dr. Yonggi Cho mula sa kaniyang testimoniya.

    Show more Show less
    28 mins
  • Hamas Ako At Bumaliktad Ako
    Dec 7 2023

    Hamas Ako At Bumaliktad Ako

    Episode 70 – Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan

     Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay tungkol sa totoong karanasan ni Mosab.  Lumaki siya sa Palestine at High Ranking Hamas Spiritual Leader ang kaniyang Ama.  Mula pagkabata ay tinuruan siya ng Hamas na kasalanan ng mga Hudyo kung bakit sila naghihirap, kasalanan ng mga Kristyano at kasalanan lahat ng mga taksil sa Islam.  Sa edad na 18, nagbalak si Mosab na atakihin ang mga Israeli, bumili siya ng baril pero nahuli siya ng mga sundalo ng Israel bago pa man niya maisagawa ang kaniyang balak.  Ito ang simula ng pagkalito at pagbabago ni Mosab hanggang sa itakwil siya ng kaniyang sariling pamilya.  Alamin kung bakit bumaligtad si Mosab sa Hamas at sa Islam sa istorya ng kaniyang buhay.

    Show more Show less
    31 mins
  • Ang Pamilya Ko Sa Langit
    Nov 30 2023

    Ang Pamilya Ko Sa Langit

    Episode 69 – Sa Kabilang Buhay At Kababalaghan

      Ang istoryang mapapakinggan ninyo ay tungkol sa totoong karanasan ni Karen.  Physical Therapist si Karen sa Alaska at kailangan niyang operahan sa likod.  Noong araw ng operasyon, naputol ng doktor ang artery niya na kaniyang ikinamatay dahil sa labis na pagdurugo.  Dito nagsimula ang kakaibang karanasan ni Karen na nagsimula sa pagmamasid sa kaniyang bangkay na nasa operating table hanggang sa makarating siya sa langit.  Dito ay nakita niya ang kaniyang pamilya. Pakinggan ang detalye ng karanasan ni Karen.

    Show more Show less
    19 mins