Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes  By  cover art

Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes

By: Crime Scene Tagalog Stories
  • Summary

  • Mga kremin sa buong dako ng mundo na isinalin sa wikang atin. Isinasalaysay ang detalyadong kwento bago ang aktuwal na kremin. Upang mas maunawaan pa ng mas nakararami kung ano ang puno't dulong dahilan, kung bakit nagawa ang pagkitil. Kung kayo po ay tulad ko na mahilig sa ganitong uri ng kwento, ang podcast na'to ay para po sa inyo. Tara na't ating alamin ang karima-rimarim na kwento, sa likud ng bawat crime scene.
    Crime Scene Tagalog Stories
    Show more Show less
activate_primeday_promo_in_buybox_DT
Episodes
  • KAYBIGAN, O KALABAN?
    Jul 24 2024

    Sa mapagkumpitensyang industriya ng pagmomodelo, kung saan walang kakulangan ng mga magaganda at kaakit-akit na kabataang babae, sa pagiging 23 anyos at may dalawang anak, ay talagang medyo makakaapekyo sa mga prospect mong proyekto. At ito ang dahilan ng pangunahin nating salarin sa kasong ito, sa pagligpit sa kanyang kaybiga'ng naging parang kapatid na sa kanya. Nagkaroon ng lamat ang pagkakaybigan ng dalawa. Pareho silang nagtatrabaho bilang mga modelo. Pero nagalit ang salarin sa kaybigan nito, sa pagkakalat umano nito ng tsismis, na may mga anak na siya. Totoo naman yun, pero nababahala pa rin siya dito. Dahil pakiramdam niya, maapektuhan nito ang pagkakaroon niya, ng mga magagandang proyekto. Na mapapa-isip ka na lang. Talaga bang ang pagkakaroon ng maliit na sama ng loob sa iyong kaybigan, ay sapat na para planuhin mo ang pagdukot at pagtapos dito.


    Show more Show less
    24 mins
  • KINUPKOP PARA GAWING PAR*US@N.....
    Jul 21 2024

    Ito ang 19 years old na si Sarah McLinn. Nung 2014, pinainum niya ng pampatulog, iginapos at tinapos ang 52 years old na lalaking naging parang ama na sa kanya. Sa lala at lupit ng pagtapos niya rito, hindi tuloy makapaniwala ang lahat, na ginawa niya lang yun ng mag-isa. Inilarawan siya ng mga pulis at media, bilang halimaw at walang-awang tumatapos ng tao. At parang totoo nga to nung una. Yun ay hanggang sa naibunyag, ang buong katotohanan. Kaya't ano nga ba ang tunay na nangyari? At paanong nauwi ang dalagang ito, sa paggawa ng katakot-takot na pagtapos ng tao?

    Kumusta? Ngayon ay titingnan natin ang kaso ni Sarah MacLinn. Ang 19 años na dalagang tumapos sa taong lumaspatangan sa kanya.


    Show more Show less
    20 mins
  • ANG MGA KATAWANG ITINAPON SA GILID NG DAAN SA BUKIDNON...
    Jul 18 2024

    February 17, 2024, bandang alas tres ng hapon. Isang karumal-dumal na pangyayari ang gumimbal sa Sitio Bulicat, Baranggay Kalagangan, San Fernando Bukidnon. Dalawang walang buhay na katawan ang natagpuang itinapon, sa masukal na parte sa gilid ng Bukidnon to Talaingod Road. Isang babae at isang lalaki. Parehong nakabalot ng packaging tape ang ulo ng mga 'tu. Walang damit pang itaas ang babae't nakadamit panloob lang din ang lalaki. Kumusta? Ngayon ay titingnan natin, ang isa na namang karumal-dumal na kaso ng pagtapos ng tao. Sino nga ba ang dalawang katawang itinapon, at paano sila humantong sa malagim na katapusan?

    Show more Show less
    7 mins

What listeners say about Crime Scene Tagalog Stories| Tagalog Crimes

Average customer ratings

Reviews - Please select the tabs below to change the source of reviews.