• KAYBIGAN, O KALABAN?
    Jul 24 2024

    Sa mapagkumpitensyang industriya ng pagmomodelo, kung saan walang kakulangan ng mga magaganda at kaakit-akit na kabataang babae, sa pagiging 23 anyos at may dalawang anak, ay talagang medyo makakaapekyo sa mga prospect mong proyekto. At ito ang dahilan ng pangunahin nating salarin sa kasong ito, sa pagligpit sa kanyang kaybiga'ng naging parang kapatid na sa kanya. Nagkaroon ng lamat ang pagkakaybigan ng dalawa. Pareho silang nagtatrabaho bilang mga modelo. Pero nagalit ang salarin sa kaybigan nito, sa pagkakalat umano nito ng tsismis, na may mga anak na siya. Totoo naman yun, pero nababahala pa rin siya dito. Dahil pakiramdam niya, maapektuhan nito ang pagkakaroon niya, ng mga magagandang proyekto. Na mapapa-isip ka na lang. Talaga bang ang pagkakaroon ng maliit na sama ng loob sa iyong kaybigan, ay sapat na para planuhin mo ang pagdukot at pagtapos dito.


    Show more Show less
    24 mins
  • KINUPKOP PARA GAWING PAR*US@N.....
    Jul 21 2024

    Ito ang 19 years old na si Sarah McLinn. Nung 2014, pinainum niya ng pampatulog, iginapos at tinapos ang 52 years old na lalaking naging parang ama na sa kanya. Sa lala at lupit ng pagtapos niya rito, hindi tuloy makapaniwala ang lahat, na ginawa niya lang yun ng mag-isa. Inilarawan siya ng mga pulis at media, bilang halimaw at walang-awang tumatapos ng tao. At parang totoo nga to nung una. Yun ay hanggang sa naibunyag, ang buong katotohanan. Kaya't ano nga ba ang tunay na nangyari? At paanong nauwi ang dalagang ito, sa paggawa ng katakot-takot na pagtapos ng tao?

    Kumusta? Ngayon ay titingnan natin ang kaso ni Sarah MacLinn. Ang 19 años na dalagang tumapos sa taong lumaspatangan sa kanya.


    Show more Show less
    20 mins
  • ANG MGA KATAWANG ITINAPON SA GILID NG DAAN SA BUKIDNON...
    Jul 18 2024

    February 17, 2024, bandang alas tres ng hapon. Isang karumal-dumal na pangyayari ang gumimbal sa Sitio Bulicat, Baranggay Kalagangan, San Fernando Bukidnon. Dalawang walang buhay na katawan ang natagpuang itinapon, sa masukal na parte sa gilid ng Bukidnon to Talaingod Road. Isang babae at isang lalaki. Parehong nakabalot ng packaging tape ang ulo ng mga 'tu. Walang damit pang itaas ang babae't nakadamit panloob lang din ang lalaki. Kumusta? Ngayon ay titingnan natin, ang isa na namang karumal-dumal na kaso ng pagtapos ng tao. Sino nga ba ang dalawang katawang itinapon, at paano sila humantong sa malagim na katapusan?

    Show more Show less
    7 mins
  • BAKIT NGA BA PINUG*TAN ANG DALAGANG ITO?
    Jul 15 2024
    Nung 2021, ang Islamabad Pakistan, ay naging sentro ng isang malagim na kaso. Ang pagtapos sa buhay ni Noor Mukadam. Isang 27 years old na dalagang, anak ng isang Pakistani Diplomat. Lumaki siya sa ibang bansa. Pero nagtapos ang kanyang buhay, sa kamay ni Zahir Jaffer. Isang lalaking mula sa mayamang pamilya. Nauwi sa bangungut ang pagtanggi niya, sa alok nitong pagpapakasal, na sa kalaunan ay nahantong, sa malagim na trahedya. Nagdulot ang kaso ng labis na galit, hindi lang ng publiko, kundi pati na rin ng ibang bansang may kilusan sa hustisya para kay Noor. Binibigyang-diin nito malawakang problema, ng karahasa'ng nakabatay sa kasarian.
    Show more Show less
    14 mins
  • ANG GANTI NG KATULONG SA KANYANG MALUPIT NA AMO SA SINGAPORE..
    Jul 12 2024

    Nalala nyo po ba yung kahindik-hindik na kaso ni Piang Ngai Don na nacover ko nung nakaraang buwan? Yung Domestic Helper mula Myanmar na iniliglit ng kanyang mga Indianong Amo sa Singapore? Kung hindi nyo pa po napanood, ililink ko po sa discription sa baba. Ngayon, may isa pa pong kaso tungkol sa isa pang Domestic Worker sa Singapore. Pero sa pagkakataong tu, hindi na po yung DH ang nailigpit. Kundi yung amo naman. At talagang nagulat ng husto ang publiko, sa kasong ito. Maraming mga naipapasok na Domestic Workers na wala pa sa tamang edad. At halos walang maka-usap at masandalan at matanungan ang mga batang Domestic workers na tu. Kaya't mas lalong nagiging mahirap sa kanila ang trabaho. Lalo na kung mapunta pa sa sitwasyong, pinagbubuhatan na sila ng kamay at minamaltrato.


    Show more Show less
    16 mins
  • SER1AL R@P!ST KINAT4Y NG MGA B!KTIMA SA LOOB NG SILID-HUKUMAN
    Jul 9 2024

    Tatalakayin po natin ngayon ang isang kakila-kilabot na indibidwal na kilala sa pangalang Akku Yadav. Kilala siya sa kanilang lugar, dahil sa mga kasuklam-kasuklam niyang mga ginawa, laban sa mga myembro ng Dallit Community. Sila ang mga itinuturing na pinakamababang estado, sa sistema ng lipunan sa India. Sa subrang lala ng mga ginawa ni Yadav, naging insperasyon pa tu, sa isang serye ng documentary ng Netflex. Pero ang nangyari sa lalaking 'tu sa huli, ang mas nakakakilabut at nakakagulat sa lahat.


    Show more Show less
    21 mins
  • TAXI DRIVER, PAT@Y MATAPOS MANALO NG LOTTO
    Jul 6 2024

    Sa ibang bansa man, lalong-lalo na dito sa 'tin, napakaraming tao'ng nangangarap na manalo sa lotto, umaasang mababago nito ang mahirap na buhay. Natupad naman ang pangarap na to, para sa isang taxi driver sa Antipolo. Ng manalo siya, ng 19 million pesos sa lotto. Pero ang biglaang kapalaran na tu, ay hindi lang nagdala sa kanya at sa kanyang pamilya ng yaman. Humantong din tu, sa malagim niyang katapusan.

    Show more Show less
    18 mins
  • MAGANDA, EDUKADA AT MAYAMAN, PERO GRABE ANG GINAWA SA KANYA...
    Jul 3 2024

    Ang kasakiman, inggit at ang pagnanais na makakuha ng kayamanan nang walang kahirap-hirap, ay ang siyang kadalasang nagtutulak sa mga taong gumawa ng pinakakasuklam-suklam, at mapang-uyam na mga kasamaan. Minsan, mahirap isipin kung anong kalupitan ang kayang gawin ng isang tao, alang-alang sa pera. Katulad na lang, ng pagligpit ng isang malapit na kaanak. Ang kwento ni Elizabeth Vasquez, ay isa sa nakakakilabot sa mga yun. Isang mabait, at masipag na babaeng, buong buhay na nagtrabaho para sa ikabubuti ng kanyang pamilya. Nagsusumikap na maibigay sa kanyang nag-iisang anak, ang masaganang buhay, at magandang edukasyon. Pero gumuho ang lahat, dahil sa kasakiman ng nag-iisang tagapagmana.

    Show more Show less
    31 mins